50

Hari'y Sambahin

0:000:00
100%

I

Hari'y sambahin, O buong langit
Inyong awitin Kanyang pag-ibig
Matanda sa araw, ating sanggalang
Maningning at lipos ng kapurihan.

II

Ang lakas Niya'y inyong saysayin
Kanyang biyaya'y inyong awitin
Balabal Niya ay kaliwanagan
Ang pabilyon Niya ay kalawakan.

III

Ano ang maglalahad na dila
Ng pangangalaga Mong sagana?
Ito'y nasa hangi't nasa liwanag
Nasa hamog, ulan, burol, lupang patag.

IV

Sa Iyo'y ipinagtitiwala
Ang alabok, mahihinang bata
Magiliw, matibay, 'Yong kaawaan!
Aming Manunubos, Sanggalang, Kaibigan!