I
Ito'y sanlibutan ng Ama kong mahal
Ang buong katalagahan ay nag-aawitan.
Mga punong-kahoy, langit, karagatan
Pati malalaking bato'y gawa ng Kanyang kamay.
II
Ito'y sanlibutan ng Ama kong mahal
Ibon, liryo at liwanag, Diyos ang itinatanghal.
Sa mga damuhan siya'y nagdaraan
Siya'y nakikipag-usap sa akin saan man.
III
Ito'y sanlibutan ng Ama kong mahal
Ang masama'y malakas man, Diyos ang haring tunay.
Bakit itong puso ko ay malulumbay?
Panginoo'y nagpupuno; matuwa sang kalupaan.