I
Inaawit ko ang lakas ng Diyos na naglatag
Ng bundok na matataas at ng mga dagat
Ang karunungang dakila na siyang nagtakda
Ng marapat maging gawa ng bawa't buntala.
II
Inaawit ko ang awa ng Diyos na dakila
Sa ganang nagkakalinga sa Kanyang nilikha
Kababalaghan Mo'y hayag at kita ng lahat
Sa lupa't langit ay bakas pawang nakalahad.
III
Walang halama't bulaklak na di nag-uulat
Ng maluwalhati Mong dilag na hayag sa lahat
Sa bawa't Iyong nilalang ikaw'y nagbabantay
Walang dakong tutunguhang di Mo mararatnan.