6

Tayo'y Nagtitipon

0:000:00
100%

I

Tayo'y nagtitipon upang ating hingin
Pagpapala ng Panginoon natin;
Masama'y hindi na humahapis sa 'tin
Papuri sa Pangalan Niya'y awitin.

II

Ang ating Diyos tayo'y pinapatnubayan,
Pinatatatag N'ya ang kaharian;
Kaya nagwawagi sa pakikipaglaban
Ikaw, O Panginoon ay kaakbay.

III

Lahat kami, sa 'Yo Jesus, nagpupuri
Nawa'y maging Sanggalang Kang parati.
H'wag Mong tulutang bayan Mo'y maduhagi
Ngalan Mo'y purihin! Palayain kami.