I
Kayong mga tapat, kayo'y pumarito.
At sa Bethlehem ay masdan ninyo.
Masdan ang Haring sumilang sa inyo!
Koro
Siya'y sambahin natin.
Siya'y sambahin natin.
Si Kristong Panginoo'y sambahin!
II
Koro ng mga anghel, kayo'y umawit.
O umawit, kayong taga-langit!
Luwalhati sa Diyos, sa Diyos na marikit!
Koro
Siya'y sambahin natin.
Siya'y sambahin natin.
Si Kristong Panginoo'y sambahin!
III
Binabati Ka namin sa 'Yong pagdating,
Jesus na sa amin ay ipinanganak!
Lumalapit kaming may pasasalamat!
Koro
Siya'y sambahin natin.
Siya'y sambahin natin.
Si Kristong Panginoo'y sambahin!