70

O Munting Bayang Bethlehem

0:000:00
100%

I

O munting bayang Bethlehem, Tahimik kang tunay!
Mga bituin sa langit Mo'y nangaglalakbay
Walang hanggang liwanag Sa daa'y sumilay
Mga pag-asa't pangamba Ngayo'y nagkaugnay.

II

Si Kristo ay sumilang Habang nagbabantay
Ang mga anghel sa langit Nang bu'ng pagmamahal.
Itanyag, mga tala, Banal na pagsilang!
Sa tao'y kapayapaan, Ang Diyos papurihan.

III

Kahanga-hangang kaloob Payapang nabigay!
Kaya pagpapala ng Diyos Sa 'ti'y inialay.
Yaong Kanyang pagdating Di man napakinggan
May mga taong sa Kanya Ay tatanggap naman.

IV

Banal na Sanggol ng Belen, Ikaw'y sumasaamin
Sala naming ay pawiin At kami'y sakupin.
Aming napapakinggan Balita ng anghel
Oh, Manahan Ka sa amin, Aming Emmanuel!