I
Si Jesus ang aking bantay
Na di napapagal,
Ako'y Kanyang minamahal,
Itinatangkal;
Sa laot ng dusa't lumbay
Matiyagang inaakay,
Daramayan, hindi ako iiwan.
II
Si Jesus ang aking buhay,
Aking kalakasan,
Binibigyang kasiglahan
Ang lupang katawan;
Kung ako'y nanlulupaypay;
Nanghihina, nangangalay.
Ititindig, hindi ako iiwan.
III
Si Jesus ang kaibigan,
Pastor, aliw, ilaw,
Kung S'ya'y wala, kasawian
Ang kasasapitan;
Kung ako ay namamanglaw,
Nahahapis at luhaan,
Aaliwin, hindi ako iiwan.
IV
Si Jesus ang aking tanglaw
Sa lahat kong araw,
Ang daan kong nilalakbay
Nililiwanagan;
Ang dilim ng kamatayan
Hinahawi, pinaparam,
Iilawan, hindi ako iiwan.