90

Isang Bagong Kaibigan

0:000:00
100%

I

Isang bagong Kaibigan ang aking natagpuan.
Na sa aki'y nagmamahal bago ko naalaman;
Ako'y Kanyang tinalian ng pag-ibig na sakdal.
Kaya't ako'y Kanya lamang at Siya'y aking tunay.

II

Ang bago kong Kaibigan sa aki'y nagsanggalang.
Kamtan ko lamang ang buhay Kanya ang inialay;
Kaya't ngayo'y Kanya lamang lahat kong kinakamtan,
Buhay, lakas, kayamanan, magpahanggang libingan.

III

Ang bago kong Kaibigan ay may kapangyarihan.
Sa akin ay pumatnubay hanggang sa kalangitan;
Sa l'walhating mamasdan sigla ang kinakamtan,
Sa pag-gawa't pagpapagal hanggang ako'y may buhay.

IV

Ang bago kong Kaibigan ay maawaing tunay.
Matalinong taga-akay malakas magsanggalang;
Sinong sa aki'y hahadlang na Siya'y paglingkuran?
Ang yaman ba? Sanlibutan? Hindi rin tutulutan!