94

May Ulan ng Pagpapala

0:000:00
100%

I

"May ulan ng pagpapala;"
Ito'y pangako ng Diyos;
May panahon ng ginhawa,
Buhat sa Manunubos.

Koro

Ulan ng pala,
Na ating kailangan;
Pumapatak na ang awa,
Nguni't ang hingi'y ulan.

II

"May ulan ng pagpapala"--
Mahalagang buhayin;
Sa burol at kapatagan,
May ulang masisinsin.

Koro

Ulan ng pala,
Na ating kailangan;
Pumapatak na ang awa,
Nguni't ang hingi'y ulan.

III

"May ulan ng pagpapala;"
Ibuhos na sa amin;
Kami'y bigyan Mong ginhawa;
Salita Mo'y tuparin.

Koro

Ulan ng pala,
Na ating kailangan;
Pumapatak na ang awa,
Nguni't ang hingi'y ulan.

IV

"May ulan ng pagpapala;"
Sana ngayo'y bumuhos,
Ngayong nagtatapat sa Diyos
At nanawag kay Jesus.

Koro

Ulan ng pala,
Na ating kailangan;
Pumapatak na ang awa,
Nguni't ang hingi'y ulan.