I
Saysayin mo sa akin ang kay Kristong buhay.
Saysayin ang pag-ibig N'yang walang kapantay,
Saysayin mong marahan, saysaying malinaw.
Ngayong ako'y mahina at makasalanan.
Koro
Saysayin mo sa akin.
Muli't muling ulitin,
Ang malaking pagtingin.
At Kanyang pag-giliw.
II
Saysaying mong marahan upang maunawa.
Ang Kanyang pagliligtas at malaking awa,
Saysayin nang nalimit at sa 'ki'y ihayag.
Sa lahat ng sandali ng aking bagabag.
Koro
Saysayin mo sa akin.
Muli't muling ulitin,
Ang malaking pagtingin.
At Kanyang pag-giliw.
III
Saysayin mo sa akin kung ang akala mo.
Ako'y ibig tangain ng hibo ng mundo,
At kung nalalapit na ang luwalhati Mo,
Muling sabihin sa 'kin: "Ligtas ka kay Kristo."
Koro
Saysayin mo sa akin.
Muli't muling ulitin,
Ang malaking pagtingin.
At Kanyang pag-giliw.