I
Kagalaka'y kabanalan,
Ang sa puso'y siyang sigaw.
Nguni't sinong may awitan
Ng sa kay Kristong pagmamahal.
Koro
Oh! Pag-ibig na dakila!
Napakamahiwaga!
Oh! Pag-ibig na dakila!
Ni Jesus na lumikha!
II
Sa araw ay kagalaka't,
Sa gabi'y katahimikan.
Sa bagyo ma't kadiliman,
Ay panlunas ka ngang mainam!
Koro
Oh! Pag-ibig na dakila!
Napakamahiwaga!
Oh! Pag-ibig na dakila!
Ni Jesus na lumikha!
III
Ako'y kusang may pag-asa't,
Pagtitiwala t'wi-t'wina.
Na pagtawag ng may sala'y,
Patatawarin Mong talaga!
Koro
Oh! Pag-ibig na dakila!
Napakamahiwaga!
Oh! Pag-ibig na dakila!
Ni Jesus na lumikha!