19

Panginoon, Iyong Dinggin

0:000:00
100%

I

Panginoon, Iyong dinggin,
Ang aking dalangin,
Sa umagang ito'y hain,
Ang puso kong angkin.

II

Panginoong Jesu Cristo,
Ako'y pakinggan Mo.
Ipahayag sa Diyos Ama
Ang bawat hiling ko.

III

Mangyaring ako'y samahan,
Espiritung banal,
Nang upang sa kabanalan,
Lumaging mabuhay.

IV

Ang magpuri sa 'Yong ngalan,
Ay ang makakamtan.
Lubos na pagsasanggalang,
Sa kapahamakan.