176

Akong Makasalanan

0:000:00
100%

I

Akong makasalanan,
Puno ng kasamaan,
Tinubos nang mabuhay
At sa langit matahan;
Ako ay Kanyang tunay,
At Siya'y akin naman.

II

O! dakilang pag-ibig,
Mataas kaysa langit,
Sa kalalima'y higit.
Sa malalim na tubig;
Hinanap akong pilit,
Iniligtas sa sakit.

III

Ang aking kahirapan
ay Kanyang nalalaman,
Sa kapanganiban man.
Ako'y iniingatan;
Ang lahat ko sa buhay.
Kay Jesus iniaalay.