I
Napakasaya't kay-inam
Sa Panginoong tahanan,
Na pinaglulunggatian
Ng kalul'wang kalagayan.
II
Kaypalad ng kaluluwa
Na sa Iyo'y makakita,
Sa templong lubhang masaya
Biyaya'y matatamasa.
III
Mapalad ang humahanap
Sa pinto ng iyong dilag.
Diyos ang tulong at kalasag
Habang daan sa paglakad.
IV
Nagagalak na maglakbay
Patungo sa bayang banal
Hanggang lahat ay magtipon
Sa pagsamba sa ngalan N'ya.