32

Banal, Banal, Banal

0:000:00
100%

I

Banal! banal! banal! Diyos na maalam,
Ikaw ngayo'y aming pinapupurihan.
Banal! banal! banal! Makapangyarihan,
Diyos na naghaharing walang hanggan!

II

Banal, banal, banal! Pangino'ng tunay
Ikaw na di namamasdan ng 'Yong bayan.
Tanging Ikaw lamang ang may kasakdalan
Bukal ng pagpapala at buhay.

III

Banal! banal! banal! Tinatawagan
Ng libo at libong sumasambang tunay;
Ang putong ng anghel na nagkikinangan;
Sa Iyong luklukan Iniaalay!

IV

Banal! banal! banal! tangi Kang sakdal
Sa kapangyarihan awa't kalinisan;
Ang mata ng tao'y hindi maisilay
Sa Iyong l'walhating walang hanggan!