I
Pag sumilang na ang pag-ibig sa buhay.
Ang hirap, ang lungkot, at sakit, wawalay.
Kung tayo ay may hapis ay mapapawing pilit.
Pag sumilang sa langit ang pag-ibig.
Koro
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig.
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang lahat ay magsiawit ng pag-ibig!
II
Sa pag-ibig ang sanlibuta'y gaganda.
Sisipag sa katungkulan ang kalul'wa.
Matatamo'y tagumpay, puso'y masisiyahan.
Luluwalhati ang buhay sa pag-ibig!
Koro
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig.
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang lahat ay magsiawit ng pag-ibig!
III
Ang luha at kapighatia'y lilipas.
Makakaya ang mga pasang mabigat.
Ang kaluwalhatian nama'y maliliwanag.
Ang puso'y aapawan ng pag-ibig.
Koro
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig.
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang lahat ay magsiawit ng pag-ibig!
IV
Di na mapaparam sa lupa ang kisig.
Ang pagmamahalan sa diwa'y hihigpit.
Kung kamtan ang tagumpay at sa langit mamuhay.
Doon ang tanging araw ay pag-ibig.
Koro
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig.
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang lahat ay magsiawit ng pag-ibig!