36

Pumipigil na Pag-ibig

0:000:00
100%

I

Pumipigil na pag-ibig,
Sa 'Yo ako humihilig.
Muli kong ibinabalik
Buhay kong sa 'Yo'y nakamit.
Nang yumamang higit.

II

Ilaw na sumusubaybay
Sa landas ng aking buhay.
Muli kong ibinibigay
Sinag ng puso kong banday.
Nang araw'y sumilay.

III

O t'wang kumakaulayaw
Puso sa'yo'y 'di sasarhan.
Binabakas ko sa ulan
Ang bahag-haring mainam.
Umaga'y kikinang.

IV

Krus na nagtaraas sa 'kin
'Di ko hiling na pawiin.
Luwalhati ko ay kinutil
At sa lupa ay sumupling.
Buhay walang maliw.