38

Tulad sa Ama Kung Tumingin

0:000:00
100%

I

Tulad sa ama kung tumingin
Sa isang anak na nagtataksil
Anumang sama, anumang itim
Ang ating sala ay lilinisin.

II

Tulad sa ama kung tumanggap
Sa alibughang lumayong anak
Ang dibdib niya'y palaging bukas
Ang kanyang kamay ay nakaunat.

III

Tulad sa ama kung dumamay
Sa kanyang anak na minamahal
Binabantayan kung naliligaw
At inaakay sa wastong daan.

IV

Tulad sa ama kung mahabag
Sa anak niyang napalilingap
Puso'y malambot sa tumatawag
Di nagmamaliw hanggang sa wakas.