376

Sa Dagat Na Malawak

0:000:00
100%

I

Sa dagat na malawak,
Na aking nilalayag,
Along nangamamalas,
Ako ay hinahamak;
Jesus na mapagliyag,
Tulong Mo ay igawad.

II

Hangin ay patigilin,
Alon ay pahupain,
Dagat ay payapain,
Nang ako'y makarating,
At sa Iyo'y mapiling,
Jesus na maawain.

III

Kung sa along mabangis,
Ako ay makatawid,
Sa pampang ay sumapit,
Kamay Mong matangkilik,
Sa akin ay ilawit,
At sa langit ipanhik.