40

Ang Pag-ibig ni Jesus

0:000:00
100%

I

Ang pag-ibig ni Jesus ang siyang umakit
Upang ako sa Kanya ay kusang lumapit
At ang Kanyang biyaya sa aki'y ibinihis
Ang Siyang laging diwa sa aking pag-awit.

Koro

Lalo nang tumatamis
Lalo nang tumatamis
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t'wi-t'wina
Lalo nang tumatamis.

II

At sa buong Judeang kaniyang nilibot
Madla ang mga taong sa Kanya'y sumunod
S'ya at ang mga may damdam ay Kanyang ginamot
Gayunma'y ang pag-ibig niya'y di naubos.

Koro

Lalo nang tumatamis
Lalo nang tumatamis
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t'wi-t'wina
Lalo nang tumatamis.

III

Ang wagas na pag-ibig ang siyang nag-akay
Upang tayo'y subukin hanggang kamatayan
Kaya't ating purihin ang Kanyang pangalan
Hanggang ang lupa't langit sumamang magdiwang.

Koro

Lalo nang tumatamis
Lalo nang tumatamis
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t'wi-t'wina
Lalo nang tumatamis.